Thursday, July 18, 2024

Hirap

Ikaw ang naging pangarap, 
Saglit lang, 
Bakit parang nawala ka agad. 

Araw araw na magka usap, 
ngayon, bakit nawala ng bigla lahat ? 

Yung saya na nadama nung palagi kita kasama, 
Napalitan ito ng sakit at luha, 
Lungkot sa tuwina. 

Hindi ba ako sapat, 
Akala ko, ayos na. 
Yun lang pala ang akala ko. 
Pero hindi pala. 

Pangarap lang talaga lahat, 
Panaginip na minsan nakamit . 
Nakamit na makausap ang tulad mo. 
Maging malapit sayo. 
Ewan ko, nasaktan talaga ako. 

Kailangan ko na alisin ang mundo ko sayo. 
Paalam. 
Sana hanggang dito na lang ang sakit. 

Salamat sa lahat. 

Saturday, March 16, 2024

Pangarap

Pangarap, 
Palagi akong nangangarap. 
Pangarap na parang nasa alapaap, 
Kay gaan, habang nakaupo sa ulap. 

Pangarap, 
Palagi akong nagsisikap. 
Na maparamdam sayo, 
Na importante ka sa buhay ko. 

Pangarap, 
Na sana makita mo 
Gaano kita kagusto, 
Handa akong iwan ang mundo ko, 
Para makasama mo. 

Pangarap, 
Gusto kong ikaw ay mayakap. 
Halika, tayo na at tumakbo, 
Hawakan mo ang kamay ko, 
Takbuhin natin, hanggang sa dulo ng mundo ko. 

Pangarap, 
binuo kong pangarap. 
Na akala ko ay sapat, 
sadyang masaklap, 
Dahil ako lang ang nangarap. 

Hanggang dito na lang siguro, 
Akala ko ay mabubuo tayo, 
Pangarap, 
iiwan ko muna ang mundo ko, 
Pangako, 
babalik ako. 


Saturday, March 2, 2024

Malaya na

 Malaya. 
Sa sakit at kalungkutan. 
Malaya kana, 
Sa akin. 

Mahal, minahal kita ng sobra. Pero pasensya na, 
Alam ko, hindi mo na kaya. 

Malaya, 
mula sa pahirap na nagawa ko. 
Malaya kana, 
maging masaya ka at magmahal uli ng iba. 


Sa panahon na hindi tayo naging masaya, 
kinulong kita sa mundo ko, 
pinagdamot ang saya na dapat ay nakukuha mo. 

Huwag ka mag alala, 
ayos lang ako. 
Masaya ako, dahil bago pa man ako makalimot, 
nakilala kita at naging parte ng buhay ko. 

Alam ko, madami ka rin tiniis dahil sakin. 
Madami kang sakripisyo na ibinigay para sa akin.
Kaya ngayon, malaya ka na. 
Malaya ka ng gawin kahit ano man ang gustuhin. 

Sa kabilang dako, 
Naisip mo rin ba ang naramdaman ko? 
Kung bakit ako naging ganto, 
dahil napabayaan mo rin ako. 

Mapatawad mo sana ako, 
Malaya kana, 
malaya na ako. 
Wala ng tayo. 













Saturday, February 24, 2024

Maging masaya

Gusto kita makita, 
makaramdam man lang kahit minsan 
paano uli sumaya. 

Nawalan ng pag-asa
pero nandito ka, 
nakilala kita, 
binalik mo sakin yung saya. 

Malungkot na mga mata, 
napawi na dahil nandyan ka. 
Yung ngiti mong kay ganda, 
simple lang, pero mahal ko na. 

Isang dekada akong namatay, 
hindi ko alam kung ano ang buhay. 
Nawalan ng saysay, 
dahil yung tao na akala ko na mag bibigay ng kulay, 
nandyan nga pero para lang akong patay. 


Salamat dahil sayo, 
bumalik yung ngiti ko.
Mga mata ko na sumingkit
dahil sa pag ngiti at kilig, 
na animo'y nakawala sa pagka piit 
ng pagkalugmok na sinapit. 

Lalakad ako, hawak ang kamay mo, 
Magulo man ang mundo, pangako, 
hanggat kaya ko, kakapit ako,. 
At hindi susuko. 

Ang mundo kong madilim,
nagliwanag ng ikaw ay dumating. 
Binigyan mo ko ng dahilan, 
para lumaban at buuin ko pa ang sarili 
na winasak ng nakaraan. 

Yung puso na kasing tigas ng kongkreto, 
eto, at lumambot dahil binasag mo. 
Nakita ko muli ang hinaharap, 
na matagal kong pinangarap.

Isang dekada na pinag damutan ng pagmamahal, 
pero dumating kana, 
ito na uli ang bagong simula. 

Simula ng bagong libro at sa unang pahina, 
ito ay tungkol sa pahinga. 

Pahinga na sayo ko lang nakita. 
sayo ko lang natamasa. 
Na sana, noon pa, 
noong tinrato niya pa akong parang basura. 

salamat dahil sayo,
nasilayan ko uli at nagliwanag ang ngiti. 
Ngiti mo na nag tanim ng binhi, 
sa puso ko na ikaw ang minimithi. 

Sa gitna ng ulap, magkasama tayong mangarap, 
Magkayap, 
habang nakatingin sa alapaap. 

Para sayo, hanggang dulo. 
Napana ako ni kupido dahil sa ngiti mo. 
Titiisin ko kahit ano, 
Basta ipanga mo rin, 
Dito ka lang sa tabi ko. 


--
Lennyism 








Bagong taon. 2024

2024 . Bagong taon. Bagong simula. Bagong buhay. 

Hello. Kamusta ka? Sana ay naging okay ang buong 2023 mo at naenjoy ang unang araw ng pagsapit ng bagong taon na 2024. 

Ang bilis ng panahon, ang bilis ng oras. Ngayon mahigit trenta anyos na ako at ilang taon na lang, 40 years old na. 

Sa mga nagdaan na taon, ano ang mga napulot mong aral mula sa problema na dumaan sayo? Nawa ay tumatak ito sa puso mo at maibahagi sa iba upang hindi nila magawa ang pagkakamali na nagawa mo o kaya ay mabago nila ito hanggat maaga at iwasan. 

Sa taon na 2023, halos araw araw ako inaatake ng depression at palagi mabigat ang katawan at puso ko, yun bang paiba iba na ang emosyon, paiba iba na ang nararamdaman at naiisip. Feeling ko na wala akong kwenta or wala nag mamahal sa akin. Para na rin akong robot sa araw araw na parehas lang ang ginagawa ko. Trabaho, bahay, pakain ng mga alaga. trabaho, bahay, linis, pakain ng alaga. hindi ako umaangal sa trabaho, syempre kailangan naman natin ng source of income diba para maging maayos naman ang takbo ng buhay.  Ito man ay source of income ko, ito rin ang nagdulot sa akin ng matinding kalungkutan, bigat sa dibdib na para bang kahit anong pilit mo bumangon para magpunta sa opisina ay parang hinihila mo na lang ang sarili mo dahil hindi ka na masaya... 

Kaya naisipan ko maghanap ng ibang trabaho na makakapag bigay sakin ng kakaibang saya. Eto na, bagong taon, bagong trabaho. Well, nakuha ko sya gitna ng 2023. napakasaya ko dahil ang ganda ng sweldo at napakabait pa ng CEO at supervisor ko. 

Bagong simula na nga, bagong taon, bagong trabaho. Ibinangon ako muli at nakaramdam ng pag asa. 

Kaya sa inyo, wag kayo sumuko. Laban lang sa buhay, may dadating na para sa inyo. 


:) 
Lennyism. 

Hirap

Ikaw ang naging pangarap,  Saglit lang,  Bakit parang nawala ka agad.  Araw araw na magka usap,  ngayon, bakit nawala ng bigla lahat ?  Yung...